Noong third year ako una kong nakilala si L. Isa siyang below typical high school guy. Wala masyadong kinakausap. Tahimik lang. Madalas may sariling mundo.
Fan siya ng Death Note. Naalala ko pa na siya yung dahilan kung bakit ko napanood yun. Super adik talaga siya sa Death Note. Pati galaw ni L Lawliet kuha niya. Attitudes pati. Upo. Pagsasalita. Pati paraan ng pag-iisip. Kuha talaga. Parang reincarnation ni L Lawliet. Kaya nga L na din tawag namin sa kanya eh. Nung mga panahon na yun nauso din sa room namin yung Death Note na notebook. Black Book tawag ng iba. Pero di naman nakalagay dun mga gusto nilang patayin. Nakalagay lang dun mga kinaaasaran nila sa room. (Nila refers sa mga classmate ko na involved dun sa pag-gawa ng Black Book.)
Naging close naman kami. Kaso ang weird talaga pala niya kahit na close kayo. Naging sila ng bestfriend ko. Pero hindi rin tumagal.
Ngayong fourth year na kami, classmate ko pa din siya. Naging active member siya ng CCF, isang Christian Fellowship. I must admit, laki ng pinagbago niya. Ayun na yung time na naging crush ko siya. Everytime kasi na nakakausap ko siya ramdam ko yung existence ni God sa soul niya.
Madami sa kanilang member ng CCF na ganun. May ka-MU. May notebook to share your feelings. Tapos end-up lang sa wala. Hindi kasi sure yung commitment. Sabi naman nila, Mas mahihirapan kasi kami sa commitment. Pag ganito lang kasi sure ka na hindi mawawala yung friendship. Saka hindi ka mahihirapan mag-adjust. Sign ng immaturity noh?! Pero infairness, may point naman sila.
Hhhmmm.. Share ko minsan yung mga notes niya sa notebooks niya.
**Eto yung patunay na adik siya sa Death Note.


Punta ka sa blog ko at may libreng pagkain!
ReplyDelete