Saturday, October 3, 2009

L LAWLiET

Isa sa mga kinatutuwaan kong ka-klase si Leonard "L" Dizon, ung kras ko. May notebook kasi siya na parang blog niya. Nakakatuwa talaga yun. Siya nga inspirasyon ko sa pag-gawa ng blog eh.
Noong third year ako una kong nakilala si L. Isa siyang below typical high school guy. Wala masyadong kinakausap. Tahimik lang. Madalas may sariling mundo. Mahina lagi ang boses. Totally weird. Kapag kinakausap ko nga siya noon, feeling ko nagmumukha din akong tanga.

Fan siya ng Death Note. Naalala ko pa na siya yung dahilan kung bakit ko napanood yun. Super adik talaga siya sa Death Note. Pati galaw ni L Lawliet kuha niya. Attitudes pati. Upo. Pagsasalita. Pati paraan ng pag-iisip. Kuha talaga. Parang reincarnation ni L Lawliet. Kaya nga L na din tawag namin sa kanya eh. Nung mga panahon na yun nauso din sa room namin yung Death Note na notebook. Black Book tawag ng iba. Pero di naman nakalagay dun mga gusto nilang patayin. Nakalagay lang dun mga kinaaasaran nila sa room. (Nila refers sa mga classmate ko na involved dun sa pag-gawa ng Black Book.)

Naging close naman kami. Kaso ang weird talaga pala niya kahit na close kayo. Naging sila ng bestfriend ko. Pero hindi rin tumagal. Second girlfriend niya yon. Grabe noh. Hindi nagbibilang. Hindi ako affected na naging sila ng bestfriend ko kasi ngayon lang naman nadevelop yung feelings ko sa kanya. Feelings talaga eh noh?

Ngayong fourth year na kami, classmate ko pa din siya. Naging active member siya ng CCF, isang Christian Fellowship. I must admit, laki ng pinagbago niya. Ayun na yung time na naging crush ko siya. Everytime kasi na nakakausap ko siya ramdam ko yung existence ni God sa soul niya. Madalas din siya mag-invite dun. Kaso busy-busyhan ako. Kaya hindi ko napagbibigyan mga members ng CCF. Then nakilala niya si Cristina, member din ng CCF at Supreme Student Government ng school.. Nagbago ng buhay niya yun, alam ko. Kakatuwa labstori nila. Second year pa lang kasi si Tina. Nagkaroon pa nga sila ng daily journal na pinagpapalitan nila. Ang sweet pa ng mga notes nila dun. Naalala ko tuloy na may nakalagay dun na In my heart, I keep a treasure. In my heart, I keep you. Weehh... sobrang cheeessyy!! Kaya niloloko siya na child abuse. Hindi naging sila. Pero nag-a-iLoveyou-han sila sa isa't-isa. Kaso dumating yung time na nahuli ni L si Tina na nagpapaligaw sa third year student. Basta mahirap i-explain. Madami kasi madadamay. Hehe.. At ayun, sobrang affected si L, syempre. Tinanong ko nga siya nung nagkukuwento siya, Naiiyak ka? sabi niya Ha ako? Naubos na kagabi eh. Grabe eh noh.. Sabi ko nga sa kaniya hindi kasi niya inassure yung commitment sa kanila eh. Ayan tuloy siya.

Madami sa kanilang member ng CCF na ganun. May ka-MU. May notebook to share your feelings. Tapos end-up lang sa wala. Hindi kasi sure yung commitment. Sabi naman nila, Mas mahihirapan kasi kami sa commitment. Pag ganito lang kasi sure ka na hindi mawawala yung friendship. Saka hindi ka mahihirapan mag-adjust. Sign ng immaturity noh?! Pero infairness, may point naman sila.

Hhhmmm.. Share ko minsan yung mga notes niya sa notebooks niya.

**Eto yung patunay na adik siya sa Death Note.





Friday, October 2, 2009

VOLUNTEER

Semestral Break. Eto na yata isa sa mga pinakaaabangang pangyayari ng mga mag-aaral. At dahil sa Bagyong Ondoy, napaaga ang paghihintay namin dyan.

Dahil nga walang pasok, nag-kayayaan kaming magkaka-klase na magvolunteer para sa relief operations sa Ever Gotesco Mall noong wednesday. Maaga ang meeting time sa meeting place. 6:00 A.M. At nag-promise ako na pupunta kila Lovely "Labli" Saira Piad sa oras na 5:00 A.M. At sigurado akong di niya ako aasahan sa ganoong oras. Alam kasi halos lahat ng kaibigan ko na lagi akong late. Kung anong oras ako kailangan, mga 10-30 mins. bago ako dumating. Pinoy talaga, eh. Photobucket

At ayun na nga, maaga ako natulog dahil sa appointment ko. Binilin ko pa sa ina ko na gisingin ako ng 4:00 A.M. Maaga naman talaga yung balak kong pag-tulog. Kaso di ako makatulog. Around 11:00 P.M. na ako nakatulog. Naalimpungatan nang masyadong maingay ang pinto, bandang 3:00 A.M. yata yun.

Nagising muli ako. Feeling ko 5 ng umaga na yon. Pinapakiramdaman ko ang paligid ko. Mukhang wala pang gising. Maingay na ang kalsada. Indikasyon na umaga na talaga. As usual, tinatamad pa ako bumangon. Tumunganga lang ako. Nagmuni-muni. Nag-daydream. daydreamingGanito naman lagi ako eh. At ayun, madami ng tilaok. Nagdecide ako na hindi na ako pupunta, tutal nasabi ko naman kay Charmane "ChaCha" de Leon na I'll try my best na magising ng maaga. At syempre, ang alibi ko pag nagalit sila, hindi ako nagising ng maaga. Ganon lang naman yun diba? Buo na desisyon ko. Itutuloy ko tulog ko. Pero di talaga ako makatulog. Biglang may narinig akong galaw. Si mama siguro. At si mama nga. Hay. Chelle, alas-singko na. Pupunta ka pa ba? Di ako sumagot. Tulog-tulugan epek pa ko eh. Chelle... Ingay na naman niya. Sumagot ako ng mahina, sabi ko ayoko na. Pumunta ka, sayang ung relief. I-text mo ko pag madami. Pupunta kami. Naman talaga nanay ko. Photobucket

Wala akong nagawa. Nagluto na siya ng almusal. Meat loaf saka bangus. Nagsaing pa, sinabi ko naman na hindi ako kakain. Nagtext kasi si Labli, at sabi ko na samahan niya na lang ako mag-lugaw sa gotohan namin. Hehe, ng kapangalan ko lang pala. Pumayag naman siya. Nung nagpaalam na ako na aalis na ako, nagulat ako kay mama. Kala ko ba kakain ka?! "Wala naman akong sinabi ah", sumagot agad ako. Ayun, pahiya siya.

At lumabas na ako. Tumawid. Nag-abang ng tricycle sa loob ng 5 minuto. Tiningnan ang nakakapanghinang kalagayan ng mga nasalanta ng bagyo. Hay grabe talaga. Naisip ko na madami siguro kaming matutulungan sa pag-rerepack ng mga ipapamigay na relief goods. Malaking malasakit na din siguro yun.

Nakarating na ako kila Labli. Abot-tanaw ko na sila. Kasama niya si Pauliene "Pau" Belo, classmate din namin. Nakita ko sila parehong naka-pants at suot ang PE T-Shirt na napag-usapan namin na susuotin namin. Na-conscious tuloy ako. Akala ko dapat naka-pants. Nag-short kasi ako. Mainit kaya! Ganda ng ngiti nila sa akin hanggang pag-lapit ko. Kamustahan. Asaran. Hanggang nagkayayaan na nga sa lugawan.

Sa lugawan. Sarado. Maputik pa nga eh. Natuwa din ako kasi hindi ko naman maaatim na kumain tapos maputik ang paligid. Nagkayayaan na sunduin si Mary Rose "Steban" Esteban. Nag-dalawang-isip pa kami kasi baka tulog pa siya. Pero dahil ayaw namin mag-antay nang nakatunganga kay ChaCha, pinuntahan na namin si Steban. Syempre, tulog pa talaga yun. Kami pa gumising sa pamilya niya. Inantay namin siyan maligo. At umalis na, sakto naman na nag-aantay na sila ChaCha at Trisha "3xa" Villamor. bighug

Larga na kami papuntang Ebhar. Namiss ko talaga si Charmane kaya dami naming napagusapan while holding hands sa daan. Gawain namin eh. Nakarating kami sa Ebhar sa pamamagitan ng longcut. Tapos lakad pa. Dami kong pagod nun tapos wala palang relief operations.

Pumunta kaming school sa pamamagitan parin ng paglalakad sa maputik na daan. Nakita ko pa din ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga mahal ko. Hay, kaawa. Pagdating namin sa school, pinagmalditahan kami ng sekyu. Ayun, bwiset talaga yun!at wits end Napagkasunduan na sa bahay muna tumambay. Sa daan, nakasalubong namin si Kuya Wilson, niyaya kami na sa CCF na lang tumulong. Kaso nauna sila 3xa en Steban, kaya di na kami sumama.

Sa bahay, tumawag kami sa GMA dahil dun naman namin binalak na mag-volunteer. Kaso di talaga makontak. Kamalasan talaga eh noh?! Hanggang sa nag-text na yung tita ni Charmane. Kinailangan niyang umuwi at syempre, dapat kasama niya si 3xa. Sa school naman namin napagkasunduang bumalik.

Sa aming pag-lalakad, nakasalubong namin si Leonard "L" Dizon,daydreaming kras ko. Ayun, kamustahan. Isa kasi siya sa mga classmate namin na lubog sa baha hanggang ngayon. Maya-maya natanaw ko si Jomar Calano. Parang reunion namin SA DAAN. At nakakatawa pa, pareho-pareho kami ng suot, except kay L. Suot ni Jomar yung PE T-Shirt namin na pang-babae. Color Yellow. Courtesy of ME.

School na talaga. Nakikiramdam kami na pumasok sa school. Nakita namin si Aling Cora (Utility Worker of the Year, Pasig City) na naglilinis tinanong namin siya kung pwedeng tumulong. At dahil sa kanya, nakapasok kami.

Nakakaloko kasing Ondoy yan eh, yong bagyo po ah. Pinasok yung Registrar Ofice ng school namin. Basa tuloy halos lahat ng files. Hindi lang pala basa, nababad. Pati tuloy ung flash disk kong 4GIG nalunod. Hindi ko na nga nakita eh. Ang lungkot talaga.

May mga teacher at syempre nandun yung principal namin. Ayun, linis-linisan ever kami. May meryenda naman na cookies eh. Nung pauwi na kami, tinanong ko si Maam Espinas kung may pasok na sa monday. At sabi niya, wala pa.

Opo tama, sembreak na namin (hehe, ako nag-declare..). Halos dalawang linggo kaming walang pasok.Opo tama ulit, labing-apat na araw na walang pasok,walang nakakatamad na classes, walang gising ng maaga at syempre, walang baon. Masaya na nakakaasar, di po ba?

Friday, February 6, 2009

TRUTH HURTS .

iTS A LOT EASiER TO SAY YOU'RE AN6Rii
DAN TO ADMiT YOU'RE HURT .
sum tin6s werent really meant to be .
sumtyms , u need to be hurt Just to realize da truth .
lettin6 go doesn't really means giving up .
but its accepting da fact dat tings weren't meant to be .